Kindness

You come to me
in the gentlest of ways

You rise me
from my sleep
as the soft morning light
peeks through the leaves

You whisper to me
the sweetest of words
as the wind tells me
more of secrets bare

You say goodbye
and I weep.

Buhay taas petsa

(Life update — translation fail)

this letter is written in the author’s local language (with a wild dash of English terms in between).
She wishes to keep it this way, for words may get lost in translation, and to keep the core of this written account. Do forgive her.

a continuation? maybe. another letter of the author to her beloved mentor who passed a few months ago.

Dear Sir M,

its been awhile since March 13 2013. 6:43 am ko po nakuha yung balita. Di ko kalilimutan sir, promise yan. kayo lang ang tanging writing mentor ko.

andami ko po sanang gusto ibalita sa inyo pero heto, helpless ako at wala na talaga akong magagawa. Hanggang dito ko na lang po siguro masasabi yung mga kwento na gusto ko sabihin sa inyo, kasi kapag dito, parang feel ko lang na binabasa niyo at andiyan kayo kahit papano.

Kamusta diyan sa Itaas, sir? Masaya ba?

Ayun sir, nasira yung nokia phone ko na pinagdidiskitahan niyo ni sir runel. Nalulungkot nga ako kasi may memories si ako at si kuya dun sa phone na yun eh. Siguro ibig sabihin let go ko na daw talaga yun. Kaya heto, nagpupumilit ako sa Cherry Mobile (ulit) na nagloloko yung charger at phone mismo. Wala eh. ganon eh. Pero alam niyo Sir, at least meron diba? Ayos lang, kasi may camera siya. haha yehey.

Ay sir nagkaroon ako ng happiness week. July 28 – Aug 3 ata yun. Haha grabe ang saya talaga nung week na yun sir. Parang birthday week ang peg, pero hindi naman. Pero kasi naman, siguro kaya ganon eh kasi nakasalubong ko siya noon nung papasok ako sa school. Grabe sir, good vibes na good vibes talaga ako nung buong week na yun. Ganda ng daloy. Siguro factor na din yung pag simba.

Grabe sir, ibang klase din talaga yung naglalaan ka ng panahon para magdasal, kahit hindi para sa mga kailangan mo, pero para dun sa mga gusto mo lang ipasalamat kay Lord. Galing. Nagkamali akong pagdudahan si Lord, sir. Sana tuloy tuloy na to.

Ayun, ayos lang kami nung baha. I mean, naging bad ako at one point pero ayos lang. ay joke hindi pala. may time na nadulas yung kapatid ko sir, tapos ayun, nagka-cast yung leg niya. naawa ako sa kanya grabe sir. pero saya niya eh, nung sabihin ng doktor na dapat upo lang siya. tapos pwede ba daw computer? oo daw. hahah grabe. pero ayun, recovering naman siya ngayon. sana wag madale.

ayun din yung kapatid kong dilag. di ko maintindihan sir. pero siguro nandun din siya sa time na yun na nawawala, naghahanap ng sarili at kung ano ano pa. wala na akong gustong sabihin pa. pero sana alam niya ginagawa niya kasi ayoko nang makita na magalit ng ganon ulit si mama dahil sa kadramahan niya. excited na din ako para sa mga kuya ko. ayun, yung isa mag NMAT tapos yung isa tuloy lang sa law school. kitang kita naman na gusto nila eh. sana payapa kaming lahat makatapos.

Tapos na din pala karamihan ng prelims namin sir, isa na lang tapos wooo. Pero grabe sir, yung ibang prof namin makadiscuss, wagas! may finals na dalawang subject namin, yung animation at yung PEM. kaloka sir. pero aliw na aliw ako sa beki naming prof ngayon sa socio-anthropology. antalino niya sir, nakikita ko siya sa inyo, pero minus the beki side. hahahaha.

Oo nga pala sir, sumali pala ako sa petron. grabe nagphotojourn kuno nanaman ako. hahah pero ang saya maglakad sa riles tapos sa ibaba mo na pala yung tubig. huhuhu maiyak iyak ako nun sir, kala ko wala na kami ng camera ko. pero heto, staying strong kami. hahah kaso leche flan lang mga tripod. hassle. talagang sinusubukan pasensya ko. pero ayan, putographer na ako. food lover na kuha kuha din ng pictures.

kain din ng kain, kaya eto, masama pakiramdam minsan. feel ko high blood. at nagsisisi ako. pero dont worry, kumakain naman ako ng tama. buti na nga lang may help na sa bahay, kundi kaguluhan nanaman maabot namin.

Ay ayun sir! Nakapasok na din sa wakas ang loka sa TWG! Haha sa third year pa ako pinayagan ni Lord! Gusto ko rin malaman kung bakit eh. Kaso mukhang sa mga new friends ko lang malalaman kung bakit at pano nga ba ang mga pangyayari. Pero masaya yung una kong workshop sa kanila sir. Ibang klase dun sa ginagawa natin sa CSLI. Intense pero alam mong tapat sayo. Mabuti na ring ganon. Haha. sorry sir kung di na ako pumupunta. masakit lang eh. pero ayun, tanggap naman din nilang lahat kung bakit di na ako pupunta dun.

Tapos sir haha grabe kaloka! Napublish ako online! Talon ako sa saya nung makita ko dun sa site mismo. Hahah ganito kasi yung kwento nun. So nagsubmit ako, sir diba? tapos sabi kasi nila, within the next two weeks magrereply daw sila ng email kung gusto daw nila ipublish yung gawa ko. pero ayun, nagpakaparanoid ako sa email ko, wala naman. siguro nabura ko kasama nung ibang unnecessary email. oh no. pero pano ko nalaman? ayun sir, naglululoko nanaman ako dun sa klase namin, segway sa site nila tapos hukay nang unti sa archives. eh malay ko ba, ayun! gumulat sa akin yung title nung gawa ko tapos andun sir! andun talaga! yung pangalan ko tapos nung wednesday pa pala napublish yung gawa ko dun sir. hahahahaha kaloka. pero sir, sakit sa heart. sinulat ko yun para sa kanya. Sana di niya binasa. sana nilike lang niya yung post at congrats at ayos na. ewan, pero nag eexpect ba nanaman ako? hay.

Pero ansaya nun sir, pareho palang wednesday yung debut ng work ko sa thought catalog at yung unang workshop ko sa TWG. Ayun, haha malay ko ba! Awesome wednesdays na ang buhay ko. Sana lang kayanin pa ng katawan ko sir.

Recently din sir nanonood ako ng movies. Puro indie at art films. grabe, nakakabago talaga ng perspective din talaga pala ang movies. parang libro o text, pero kitang kita mo, visual eh. pero kailangan mo pa rin i-analyze yung symbolisms at story. Try ko din magbasa ng libro, kaso di ako sinisipag sir, yung mata ko rin eh.
Sorry talaga sir ah, pero alam kong nagiging masama na bata nanaman ako ngayon, pero heto, alam ko kakayanin ko ‘to sir. I just know it. sana makamit ko na yung DL na ninanais kong kaytagal na sir. pahirapan talaga.

Ayan, mga pinagkakaguluhan ko ngayon sir. haha wag niyo kakalimutan sir ah. kaunting kamusta diyan. haha.
feel ko sir may sasabihin pa ako pero nawala na sa utak ko. sige sir, babalikan ko kayo, sure yan.  ;)

MBBC